By Amirah Banda | July 2026
🎶 All I hear is raindrops, falling from the _____? 🎶
I’m sure kahit anong generation familiar at sumasabay pa rin sa hit song na ito ni Tamia. Alam mo ‘yung feeling na biglang bumuhos ang ulan tapos napapatingin ka na lang sa bintana habang may hawak na mainit na kape? Tayong mga Pinoy, ‘matic na hahanap na perfect playlist para sa tag-ulan. Rainy season is a gloomy season. I guess it changes the mood when you hit the perfect playlist and it definitely changes your vibe.
So the real question is: Ano ang tag-ulan playlist mo?
Para sa iba, ito ang panahon ng OPM hugot. Mga tipong nag-eemote ka kahit ‘di ka naman broken pero masarap lang kasi bumirit o baka sadyang broken nga lang talaga. MALIII!
Recommended Spotify playlists:
May mga tao naman na ang peg ay throwback feels. Old songs, classic love tunes, or kahit mga kantang naririnig mo noong bata ka tuwing may bagyo at nasuspend ang klase nung tapos ka na mag-ayos. Biglang bumabalik ang memories nakabalot ka sa kumot at nanonood ng TV habang umuulan sa labas.
Recommended Spotify playlists:
Syempre, hindi mawawala ang K-drama / indie vibes. Yung tipong feeling mo ikaw ang main character. Nasa shuttle ka, nakatitig sa ulan tapos may background music na pang-heartbreak or slow romance. Kahit papasok ka lang naman sa work.
Recommend Spotify playlists:
At meron ding rainy day chill people na lofi beats, soft pop or kahit instrumental lang ang amats pero sapat na. Walang drama, just calm vibes. Perfect for staring into nothingness habang iniisip ang life choices mo, noh?
Recommended Spotify playlists:
Pero may plot twist din, may mga tao na hype ang playlist kahit umuulan. Tipong dance music, upbeat OPM, or kahit anong pampagising ng diwa. Pwedeng Zumba sa tag-ulan kasi why not? Ulan lang ‘yan, hindi kailangang malungkot lagi.
Recommended Spotify playlists:
At the end of the day, walang tama o maling playlist. Ang tag-ulan playlist mo ay reflection ng mood mo. Pwedeng sad ka today, okay bukas at main character the next day. So next time na umulan, don’t just scroll. Press play din! Baka doon mo mahanap ang kantang perfectly magde-describe ng nararamdaman mo.
Ikaw, anong soundtrip mo kapag umuulan? 🌧️






Leave a Reply